sábado, junio 03, 2006

YAKYAK: paano

Paano mo maiipapaliwanag ang isang bagay na ikaw mismo ay hindi maintindihan. Paano mo masasabi ang naramramdaman, na ikaw mismo ay hindi mo maiparamdam. Paano? Yan ang mga tanong sa isip ko ngayon. Ilang araw na rin ako na nagiisip. Pilit na iniintindi kung ano ba itong nararamdaman ko. Kung tama ba o dapat alisin na. ngunit kahit gaano ko pilitin na intindihin ay hanggang ngayon ay hindi ko alam ang mga kasagutan sa aking mga katanungan. Marahil ikaw lamang ang makakapagbigay linaw sa mga bagay na gumugulo sa aking isipan. Ngunit sa paanong paraan ko ito malalaman kung ikaw mismo ay hindi alam ang aking nararamdaman? Hindi ko alam kung ako lamang ang nagiisip ng ganito, o ikaw rin kaya? Hindi ko alam kung ikaw ay hindi mapakali tulad ng nararamdaman ko. Ewan ko. Hindi ko alam. Alam ko na walang patutunguhan itong nararamdaman ko, pero datapwat kahit papaano ay masaya na rin ako. Masaya na at kuntento sa konsepto na ako ay espesyal rin sa iyo. Tama nga ba ang pagkakaintindi ko sa mga pinapakita mo, o mali lamang ang dating ng mga ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iisipin, basta ang alam ko ay napapangiti mo ako. Ako ay napapasaya mo. Sa bawat araw na ako ay nakasama mo hindi ka nagsawa na ipakita at iparamdaman sa akin na may halaga ako sa iyo. Hindi ko alam kung alam mo kung gaano ka espesyal sa akin pero sana ay nararamdaman mo rin ito sa mga aksyon na ipinapakita ko sa iyo. Sana alam mo. Gusto ko na buong puso maniwala sa mga sinasabi mo na ako ay hinahanap hanap mo, na iba na ang lahat sa pagkawala ko, ngunit sa kabilang banda ay may pagdududa kung ito ba ay totoo. Hindi ko alam kung bakit kailangan magkaroon ng pagdududa sa mga sinabi mo. Hindi mo kasalanan ito, sa akin ang problema. Alam ko na hindi ikaw ang tipo ng tao na hindi kayang magsabi ng kasinungalingan. Napapaisip ako kung dapat ko ba maramdaman ang saya sa mga narinig ko. Dapat ko ba tanggapin ang mga salitang paulit ulit na binibitawan mo? Dahil naiisip ko na sa bawat pagkakataon na ito ay naiisip ko, mas tumitindi lang lalo ang nararamdaman ko. Hind ko alam. Sabi ko sa iyo hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman ko. Ewan ko. Marahil sasabihin mo kung bakit pa ako nagiisip ng ganito, bakit ko pa pinahihirapan ang sarili ko na maramdaman ang ganito. Alam ko kung bakit, dahil kagustuhan ko. Kahit na alam ko na sa kinalaunan pagkatapos ng tuwa ay sobrang lungkot din ang mararamdaman ko. Dahil alam ko na hanggang dito lang ito. Walang ng hihigit pa. masakit man alam ko na ito ang totoo, ito ang dapat. Ako man ay espesyal sa iyong paningin, meron ng nagmamay ari ng iyong puso na kailan man ay hindi ko makukuha. Magdudulot sya ng ligaya sa iyo na kailan man ay hindi ko maiibibigay. Masaya ako para sa iyo dahil nahanap mo na sya at nahanap ka na rin nya. Gusto kita lumigaya. Siguro nga ay hindi na natin masasabi ito sa isat isa. Sapat na sa aking pagsulat ay parang nakausap na rin kita. Patuloy kitang hahangaan, sa aking sariling pamamaraan. Sa kasalukuyan, sapat na sa akin ang ating espesyal na pagkakaibigan.